Graduating PSUnians, ramdam namin ang inyong excitement dahil dalawang tulog na lang, graduation na!
Upang madagdagan pa ang inyong saya, ating kilalanin ang mga Panauhing Pandangal at Tagapagsalita sa ibat-ibang klaster ng ika-47 Pangkalahatang Pagtatapos ng Pangasinan State University ngayong Hulyo 28-30, 2026.
Makakasama natin sina: Commissioner Ricmar P. Aquino ng CHED; Congressman Jude A. Acidre mula sa TINGOG Partylist ng Kongreso; Usec. Nicolas D. Torre III ng MMDA at PNP; Atty. Douglas Michael Mallillin ng Commission on Audit at Dr. Dexter R. Buted ng Philippine Coconut Authority.
Ang Seremonya ay sasaksihan din ng mga namumuno sa ating lalawigan na sina Gobernador Ramon ‘Mon-Mon’ V. Guico III at Bise Gobernador Mark Ronald Lambino at ng kanilang mga kinatawan.
Dadalo rin ang mga pinagpipitaganang Lupon ng mga Rehente.
Nariyan din ang Pangulo ng Pamantasan na si Dr. Elbert M. Galas at mga Pangalawang Pangulo na sina Dr. Razeale G. Resultay, Dr. Celeste T. Mercado, Dr. Jeanilyn L. Villanueva, Dr. Weenalei Fajardo at Dr. Renato E. Salcedo, kasama ang buong pwersa ng PSU.
Sa mahigit pitong libong PSUnian na magsisipagtapos ngayong 2026, magkita-kita tayong muli!