Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, nakikiisa ang Pangasinan State University–Urdaneta City Campus sa pagsusulong ng temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.” Binibigyang-diin ng temang ito ang mahalagang papel ng wikang Filipino sa makabagong panahon, kung saan ang teknolohiya at artificial intelligence ay nagiging katuwang sa pananaliksik, pagkatuto, at mas malawak na pagpapalaganap ng kaalaman.
Sa gitna ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, manatili nating itaguyod ang paggamit ng wikang Filipino bilang wika ng pagkakaisa, karunungan, at pambansang identidad. Sama-sama nating ipagmalaki ang ating sariling wika at gamitin ito bilang tulay tungo sa mas inklusibo, makabuluhan, at makabagong kinabukasan.