Isa na namang karangalang hatid ng Pangasinan State University ang pagkakahalal kay Dr. Erwin O. Estrella bilang miyembro ng Board of Directors ng Region 1 Teacher Education Advisory Council (R1TEAC) para sa terminong 2026–2028. Ang kanyang pagkakahalal ay isinagawa sa ginanap na 5th Teacher Education Institutions Convergence and Ceremonial Signing of the Memorandum of Agreement for Field Studies and Teaching Internship noong Agosto 19–20, 2026, sa DepEd NEAP Region I, San Vicente, San Fernando City, La Union.
Bilang bagong halal na miyembro ng R1TEAC Board of Directors, inaasahang magiging mahalagang katuwang si Dr. Estrella sa pagbuo ng mga polisiya at programang magpapalakas sa teacher education sa buong Rehiyon I. Ang kanyang pagkakahalal ay hindi lamang personal na tagumpay kundi isang karangalang ibinabahagi ng Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro at Sining at ng buong PSU community. Tunay na inspirasyon ang kanyang liderato sa pagtataguyod ng kahusayan, inobasyon, at makabuluhang pagbabago sa larangan ng edukasyon.