Hindi lamang pagsunod sa pamantayan, kundi patuloy na paghahangad ng mas mahusay na serbisyo—ito ang pinagtitibay ng Pangasinan State University – Urdaneta City Campus sa pagsasailalim nito sa ISO 9001:2015 Extension Audit 2026 noong Agosto 17, 2026.
Sa pamamagitan ng onsite audit, isinagawa ang pagsusuri sa mga proseso at sistema ng kampus kaugnay ng Quality Management System (QMS). Pinangunahan ni Dr. Renato E. Salcedo, CESE, Pangalawang Pangulo, Tanggapan ng Lokal at Internasyonal na Ugnayan at Ehekutibong Direktor, Lungsod Urdaneta Kampus, ang pagbubukas ng programa, habang nagpaabot ng mensahe si Ms. Maribeth C. Lucanas, Lead Auditor. Nagsilbing mga auditor sina Mr. Hilario J. Capili at Dr. Rolando C. Remitar, na nagsagawa ng pagsusuri upang matiyak ang patuloy na pagsunod sa mga itinakdang pamantayan.
Sa bawat audit, isang pagkakataon ang nabubuksan upang masukat ang mga naabot at matukoy ang mga susunod pang hakbang tungo sa pagpapahusay. Sa pagpapatuloy ng ISO journey nito, pinatitibay ng PSU Urdaneta City Campus ang kultura ng kalidad, episyensya, at patuloy na pag-unlad para sa mas maayos at maaasahang serbisyo.