Nagdaos ng birtuwal na pagdiriwang sa Buwan ng Wikang Pambansa 2022 ang Pangasinan State University- Urdaneta City Kampus noong Agosto 22 hanggang 30, na may temang “Filipino at Wikang Katutubo: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha. “
Pinangunahan ng Kapisanan ng mga Nagpapakadalubhasa sa Filipino o KANAFIL ang paggunita, katuwang ang kanilang taga-payo na si Gng. Ginalyn G. Molina.
Ayon kay Christian Subido, tagapangulo ng KANAFIL, naging mabigat ang mga pinagdaanan ng kanilang Kapisanan sa katatapos na pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, ngunit hindi sila nagpatinag sa pagsisilbi at pagiging lider upang manghikayat na tangkilikin at mahalin ang ating mga wika at ang ating bansa.
“Ang ating pinakapunto para sa selebrasyon na ito ay pagmamahal sa sariling atin ang pagpepreserba ng Wikang Katutubo kaugnay sa tema natin,” dagdag pa niya.
Iba’t ibang patimpalak din ang isinagawa na aktibong nilahukan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang departamento. Kabilang na rito ang Talumpahayag, Kwizbibo, Legit, Tulang Filipino, Obra-Sining, at Likhawit.
Narito ang listahan ng mga nagwagi sa nasabing patimpalak:
LEGIT
1st – Christian D. Francisco (BSED)
TULANG FILIPINO
3rd – Erine Mae J. Ramiscal (BECED)
2nd – Faith O. Gilles (ABEL)
1st – Christian D. Francisco (BSED)
KWIZBIBO
3rd – Junnie Rey D. Rendon (BSCE)
2nd – Zandro Amiel M. Bayoc (BSME)
1st – Christian D. Francisco (BSED)
TALUMPAHAYAG
3rd – Christian D. Francisco (BSED)
2nd – Adnes Jay Estrada (ABEL)
1st – Jean Carlo B. Garcia (BSCE)
OBRA-SINING
3rd – Mark Mendiguarin (BSCE)
2nd – Jason Nathaniel Tan (ABEL)
1st – Eljane Bugayong (BSED)
LIKHAWIT
2nd – Jean Carlo B. Garcia, Erwin Bernie Marzan, Elyssa Marie Mendioro, Gemrae D. Dolor, May B. Torres (BSCE)
1st – Ken Harris Cazar, Joshua Renz Luzano, Rhaisa G. Valentin, Cyril Kyle Javonillo (BSME)
Ang mga nagwagi ay nakatanggap ng cash prize at sertipiko. Taos- puso namang nagpapasalamat ang KANAFIL sa mga nakiisa, tumulong at sumuporta sa nasabing selebrasyon.